UPLB summer classes have officially started yesterday, but our instructor in SOSC2 wasn't able to come to class yesterday so we started today. Again, I'm a late enrollee, tnx to my ever forgetful mind. Oh well, no use crying over spilled milk. I'm waiting for Jules today so we could play RF Online together. Yep, I've quitted Ragnarok Online. Lately, a lot of people are quitting that game, and it seems all of them have the same reasons. I have to admit, the game has gotten dirtier. Talamak ang bot, especially during the gambling event. Bagsak presyo ang mga cards dahil sa bot. When I went to Manila, there was this guy who was playing O2 Jam and when he opened the other windows, I was surprised to find about 10 bot programs! Gawd, lahat ng yun nagsusugal lang. Imagine that?! Bot programs are sooooooo obvious but GMs fail to catch them. Yea yea, I know, business yun eh. Bakit nga naman ba nila iba-ban ang mga bots eh dun sila yumayaman? Sabihin na nating may 20 harvesters ka, tig-P100 load lahat yun, eh di instant P2,000. At totoo na may player na ganyan karami ang harvesters!
Another thing is, almost all players who have bot programs are PROUD that they are botting. Huh?! Has the world gone upside down? Mayabang ka kse may bot ka, mayaman ka, may fafa (or mama) kang mayaman, halos lahat ng gamit esp. headgears meron ka at wala nang maisip ang asawa mo na ibigay na regalo sayo dahil halos lahat ng gamit meron ka na, marami kang level 99, almost all jobs-- transcendent jobs pa! Matindi pa sa Mirinda! You see, ang mga nakakatiis na lang sa ganitong klase ng laro ay 1) ang mga nandadaya (bot programs and all); 2) mga mayaman iRL na pwedeng-pwede bumili ng zeny; 3) may mga kaibigang GMs na pwedeng ibigay sa kanila lahat ng gusto nila (e.g. /item Ghostring_Card 1,000,000,000,000 pcs); 4) May mga friends (or boy/girlfriend) pa sa RO na hindi nila maiwan; at lastly 5) mga walang pakialam sa bulok na sistema ng LUG, thus, nagpapagamit lang sila sa mga makapangyarihan na inaabuso ang kanilang karapatang makapaglaro nang matiwasay at masaya (Pilipinas, ikaw ba ito?).
Proof ba kamo? Madali lang yan! Try mo maglaro ngayon. Gawa ka ng account, tapos awayin mo yung mayamang nakita mo. Anung sasabihin sa'yo? "PULUBI ka naman!" Isumbat mo na botter s'ya. Sagot n'ya, "Eh ano ngayon? Inggit ka lang!" Huh? Tama ba kamo ang nababasa mo sa chatscreen mo? Inggit ka sa pandarayang ginagawa n'ya? Sabihin mong kadayaan 'yon. Sasabihin n'ya, "Paki mo? Inggit ka lang kse mayaman at malakas ako!" Oo nga naman, paki mo ba eh 'yun ang gusto n'ya? Ang kaso nga lang, mali ang ginagawa n'ya at ang mga inosenteng katulad mo ay naaapektuhan. Pero kebs ba n'ya? Basta ang mahalaga mayaman at malakas s'ya. At ang basehan ng pagkatao mo sa RO ay kung gaano ka kayaman at kung gaano kataas ang level ng character mo. Totoong nangyari ito. At kung ayaw mo maniwala, itry mo na lang.
Isa pa, ang mga mismong taong pinagkakatiwalaan mo, ay ang mga tao ring nanghahack sa'yo! Kala mo safe ka na? No way, Jose! Asa ka pa! Eh kung regular player nga, nakakapang-hack, yung mga GMs pa kaya na may hawak ng account mo? Naranasan ko na 'to. One time nawala halos lahat ng gamit ng isa kong character. Hindi ko alam kung pa'no nangyari yun eh naka-online s'ya. Huh? Panu nabuksan ang account ko kung nabago yung password tapos hindi naman nabasa sa email add ko yung new password ko? Hmmm... I smell something fishy. Syempre hindi yun mabubuksan ng GM dahil hindi nya alam ang password ko sa email. Ang kailangan n'ya lang ay mabuksan ang account ko so ang ginawa n'ya, nagforget password s'ya para madisconnect ang character ko. Alam n'ya ang answer sa secret question ko, syempre GM sya eh! Tapos alam naman n'ya ang new password ko so why worry? Voila! Open na ang account ko at todo kuha na s'ya ng gamit! May kakilala akong nagbebenta ng zeny. Inamin n'ya na inside job talaga 'yun. May contact sya sa LUG. GM na may kapangyarihang mag-generate ng zeny. Huwaw! Walang katapusang ligaya. Kaso, sabi n'ya, konting GMs lang ang may ganung kapangyarihan, kaya naman yung ibang GMs, nangha-hack na lang. Ok sa Olrayt! Ngayon alam ko na kung pa'no nadali account ko. Galing ah!
So you see, pag hindi ka mayaman sa RO, wala-- bulok ka, pulubs ka, mahina ka, and so much more namecallings na binibigay ng mga taong yumaman lang naman dahil sa pandaraya. Malinis kaming maglaro ng mga kapatid at pinsan ko. Kaya naman nawalan na kami ng gana. Wala namang ginagawa ang mga nasa taas dahil kumikita sila ng pera dito. Parang gobyerno natin ngayon. Ayan na, nasa harap na nila ang lahat ng kabalbalan na pwedeng gawin ng mga opisyales, mga problema ng sambayanan, mga naaapi at nagdudusa, pero nagbubulag-bulagan lang sila. Wala! Interes pa rin nila ang kanilang pinangangalagaan. Selfish ba kamo? You sure got that right! Apathetic ba? Another point for you! Ganyang klase ng tao ang nagpapatakbo sa larong Ragnarok Online-- at sa Pilipinas. Sure, it's just a game, kaya nga napakadali para sa akin ang magquit nang basta-basta kahit na sabihing mayaman ako sa game na yun. Yumaman ako dahil sa swerte (OBB and then voila! Rear item), and dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan at kapatid ko. So if you're going to say na bitter ako dahil hindi naman ako umasenso sa game, well, say it to my face, maglo-load ako ng P10 load para lang ipamukha sa'yo ang kayamanan ko.
I admit, enjoy ako sa paglalaro ng RO dati, lalo na yung marami kaming sabay-sabay naglalaro. Malinis pa no'n. At kung may scammers at hackers man, well, hindi talaga mawawala ang mga ganun. Sa ngayon, sobrang daming jologs na ang naglalaro ng RO. It has become sooooooooo overrated.
Buti pa sa RF, walang daya... sa ngayon.
----------------------------
'Pag nabasa ng LUG ito, siguradong hindi na masisikatan ng araw ang account ko sa pRO. Oh well, I don't care at all! 'Pag nabasa 'to ng pamahalaan... Oh well, eh di nabasa nila. Kebs ba nila? Lagi naman silang ganun eh. Walang pakialam.
----------------------------
GM -- Game Master (ang mga diyos ng online games)
pRO -- Philippine Ragnarok Online
LUG -- Level Up! Games
RF Online -- Rising Force Online
Currently feeling: pissed